Tuesday, November 17, 2009

2nd day of duty sa Emergency Room


hay buhay...duty na naman..ang aga aga ko gumising para mag-ayos ng mga gamit..Buti na lang at pinalancha na ni meanne(maid) ang uniform ko kaya di ako nagmamamadali ngayon.. As usual, bago ako maligo, unang una ko ginagawa ang buksan ang laptop ko para magfacebook..heheheh

Pumunta agad ako sa kitchen para mag-init ng tubig para makapagkape. Ayun, sa sobrang antok ko natapon ko pa ng unti ang asukal.Para kasing tanga ang kutsara ng asukal..kundi malaki, sobrang liit naman..Pwede naman yung standatd size na lang di ba? arte kasi ng mommy ko..Gusto nya yung uniform lahat ng kasangkapan.

Natimpla ko na ang pinakamapangyarihang bagay sa buhay ko pag-umaga..ang KAPE...Agad- agad ko kinuha yung tuwalya ko para pumunta sa banyo..Syempre dala ko ang kape..at wag kakalimutan ang yosi ko..

Eto ang bisyo ko, ang magkape sa trono habang nagyoyosi..Kadiri ba?? hehehe wala eh, ganun tlaga ako..Eto na ata ang pinakababoy na nakasanayan ko...Maari ito ang isang bagay na namana ko sa aking ama..hehehe Hindi kumpleto ang araw ako paghindi nagkape habang nagbabawas tuwing umaga..hehehe

Ayun, lumabas na din ang dapat lumabas..heheh Maliligo na ako..(bawal manilip)

Heto na..papunta na ako duty..pucha ang aga aga ko dumating sa ospital..ako ang unang-una dumating..wala magawa kaya kinuha ko na lang yung i-pod para malibang..

Masaya naging duty ko ngayon..natutunan ko ang gumamit ng ECG..sa mga hindi nakakaalam..ang ECG ay ELectrocardiogram..Para san ito? ito ang machine para makita ang lakas at hina ng contraction at relaxation ng apat na chambers ng puso.. Si Phillip ang nagturo sa akin..siya yung nurse on duty that time.He is very nice para turuan nya ako gumamit ng ECG..Madali lang pala eh..Ang dapat mo lang gawin ay magkaroon ka ng konting talino para tandaan ang kulay at pagkakasunod-sunod ng kulay...Matuto ka magbilang at magdikit ng mga leads..hehehhe Yun ang pinakamaganda ko natutunan ngyon...